Target ng Pilipinas na maging regional hub sa susunod na taon para sa manufacturing at services sector, kasama na ang mineral processing.
Ayon kay Trade and Industry undersecretary at Board of Investments (BoI) managing head Ceferino Rodolfo, inaasahang sa susunod na taon ay maraming pasilidad ang maipapatayo sa bansa na siyang titiyak sa sustainable manufacturing and services.
Ikalawa dito ay ang mineral processing. Marami na aniya ang mga kumpanyang naghayag ng kanilang interest na mag-venture sa mineral processing at sa ngayon ay isinasapinal na ang kanilang plano para rito.
Ilan sa mga target na mapalakas sa naturang sektor ay ang pagmimina ng nickel at iba pan mineral na mayaman ang Pilipinas.
Kampante si Rodolfo na maaabot ito ng bansa, gamit ang maayos na pagtutok ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga investors, mapa-lokal man o dayuhan.