-- Advertisements --

Tinambakan ng Pilipinas ang Indonesia sa unang araw ng FIBA Esport Open 2020.

Nakapagtala ng 56-29 sa unang laro ang E-Gilas at sa pangalawang laro ay mas lalong tumaas pa ang puntos 64-30.

Sinabi ni Philippe “Izzo” Alcaraz Herrero ng E-Gilas, na mula sa umpisa ay naging agresibo sila.

Binubuo ng Team Pilipinas nina Aljon Cruzin, Rial Polog Jr, Custer Galas, Clark Banzon, David John Timajo at Rocky Braña.

Isinagawa ng FIBA ang nasabing ESport basketball para hindi mawalan ng gana ang mga fans matapos na ihinto ang mga laro mula pa noong Marso dahil sa coronavirus pandemic.