-- Advertisements --
image 425

Iginiit ng Department of Foreign Affairs na tinuligsa ng Pilipinas ang mga missile test na isinagawa ng bansang North Korea.

Ayon sa departamento, kinukundena ng bansa ang pagsubok ng isang intercontinental ballistic missile (ICBM) ng Democratic People’s Republic of Korea (DPRK) gayundin ng iba pang mga ballistic missiles.

Ang mga naturang missile test umano ay nagbubunsod ng tensyon at nagpapahina sa kapayapaan at katatagan sa Korean Peninsula, sa rehiyon, at sa buong mundo.

Dagdag dito, binago ng gobyerno ng Pilipinas ang panawagan nito sa North Korea na magkaroon ng mapayapang diyalogo sa South Korea.

Inulit ng Pilipinas ang panawagan nito para sa Democratic People’s Republic of Korea na agad na itigil ang mga missilte test kung saan dapat umanong sumunod sa mga resolusyon ng United Nations Security Council, gumamit ng diplomasya at mapayapang pag-uusap sa Republic of Korea (ROK).

Kinumpirma ng North Korea na sinubukan nito ang isang intercontinental ballistic missile apat na araw na ang nakakaraan sa isang biglaang paglulunsad ng drill na naglalayong kumpirmahin ang pagiging kalakasan ng mga armas.