-- Advertisements --

Tiyak na ang apat na medalya ng Pilipinas sa nagpapatuloy na Paris Olympics, kasunod ng dalawang gintong medalya ni Carlos Yulo.

Kasabay nito ang pag-usad ng dalawang boksingerong sina Nesthy Petecio at Aira Villegas sa kani-kanilang weight class category kung saan sigurado na ang dalawang bronze.

Sa kasalukuyan ay mayroon pang sampung atleta ang Pilipinas na sasabak sa kompetisyon na maaaring makakuha pa ng podium finish.

Noong nakalipas na Tokyo Olympics, nagbulsa ang Pilipinas ng apat na medalya, kasama na ang kauna-unahang ginto sa kasaysayan ng bansa.

Ang apat na medalya ay binubuo ng isang ginto, dalawang silver, at isang bronze.