-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Tuloy pa rin ang pagpapadala ng mga workers sa United Arab Emirates (UAE) sa katapusan ng Marso sa gitna ng mataas na kaso ng COVID-19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na matutuloy ang pagpapadala nila ng workers sa UAE dahil mayroon ng kasunduan o memorandum of agreement tungkol dito.

Gayunman, nais niyang ang mga maipapadala ay nabakunahan na para magkaroon sila ng proteksyon.

Dahil dito, kinausap niya ang mga opisyal ng UAE na kung puwede ay magbigay sila ng bakuna para mabakunahan ang mga ipapadalang skilled workers at household service workers o domestic helpers.