-- Advertisements --

Ipagpapatuloy pa rin ng Pilipinas ang pagdadala ng mga supplies sa mga sundalong nakatalaga sa West Philippine Sea.

Ito ay kasunod ng nangyari noong Nobyembre 16 ng ipagtabuyan ng mga Chinese Coast Guard ang mga lulan ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni presidential spokesman Karlo Nograles, na ipagpipilitan pa rin ng bansa ang soberanya nito sa Ayungin Shoal.

Tiniyak nito na walang mangyayaring pag-abandona sa mga sundalo ng bansa na nakatalaga sa lugar.

Nauna ng dumepensa ang China na sinabing nag-trespassed umano ang barko ng Pilipinas kaya ginawa lamang nila ang tama na bugahan ng water cannon ang mga ito.