-- Advertisements --

Walang balak ang gobyerno na pagbawalang bumisita sa bansa ang mga Chinese at mga mamumuhunan mula sa China.

Sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, na ipagpapatuloy pa rin na tatanggapin ng gobyerno ang mga Chinese tourists at investors kahit na may nagaganap na tensiyons sa West Philippine Sea.

Bilang bahagi ng global supply chain ay mahalaga na magkaroon ang gobyerno pagbubukas ng investments.

Naniniwala din ang opisyal na hindi maapektuhan ang business relations ng dalawang bansa sa nagaganap na tensiyon sa West Philippine Sea.