-- Advertisements --
Itinalaga ni Pope Francis si Bishop Ryan P. Jimenez sa Metropolitan Archdiocese of Agaña ng Guam.
Papalitan 52-anyos na si Jimenez ang nabakanteng upuan ni Archbishop Michael Byrnes.
Nagbitiw kasi si Byrnes noong nakaraang taon dahil sa problema sa kaniyang kalusugan.
Naupo si Byrnes matapos na matanggal sa puwesto si Archbishop Anthony Apuron dahil sa pang-aabusong sekswal sa mga kabataan noong 2019.
Si Jimenez ay namuno sa Diocese of Chalan Kanoa na sumasakop sa Northern Mariana Islands mula pa noong Hunyo 2016.
Siya ang kasalukuyang pangulo ng Episcopal Conference of the Pacific (CEPAC) at vice president of the Federation of Catholic Bishops Conferences of Oceania na bumubuo sa Australia, New Zealand , Papua New Guinea at Solomon Islands.