Isa namang kababayan natin ang kinilala sa ibang bansa dahil sa pagpapamalas nito ng kaniyang natatanging galing sa pagtuturo.
Natanggap ni Eleuterio Timbol ang isang recognition para sa pagtuturo nito sa science and mathematics sa mga public high school students.
Ito ay sa katatapos pa lamang na 024 SLOAN Award for Excellence in Teaching Science and Mathematics na ginanap sa New York City, Estados Unidos.
Ayon sa Fund for the City of New York website, ang naturang award ay iginagawad sa mga guro na ginugugol ang kanilang oras at panahon para tulungan ang mga estudyante na umangat.
Lumaki si Timbol sa Pilipinas at isa siya sa siyam na mga anak ng kanyang mga magulang.
Siya ay kasalukuyang nagtuturo sa High School for Law Enforcement and Public Safety.
Kinilala ito dahil sa kanyang naging role sa pagpa-facilitate ng pagpapalitan ng mga Filipino-American educators sa Pilipinas tuwing summer gayundin ang pagpapayaman ng educational landscape sa dalawang bansa.
Noong 2022, si Timbol ay isa sa 54 na guro sa pampublikong paaralan ng New York State na nakatanggap ng Gobernador Empire State Excellence in Teaching Award.