-- Advertisements --
DSWD REX GATCHALIAN

Sisimulan na ang pilot run ng food stamp program ng pamahalaan sa Tondo sa araw ng Martes, Hulyo 18.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, inisyal na nasa 50 mahihirap na pamilya na natukoy mula sa Tondo ang unang batch na mabibigyan ng food stamp.

Ilalabas aniya ang detalye sa kick-off ceremony ng “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” sa araw ng lunes.

Sa ilalim ng programa, magbibigay ang DSWD ng electronic benefit transfer cards na naglalaman ng P3,000 halaga ng food credits kada buwan para makabili ang mga benepisyaryo na mahihirap na pamilya ng piling listahan ng food commodities mula sa mga rehistrado o accredited retailers ng DSWD.

Ang pilot run ay magtatagal ng anim na taon na popondohan ng $3 million grant mula sa Asian Development Bank (ADB) para masaklaw ang nasa 3,000 pamilya mula sa targetes communities sa buong bansa.

Pangunahing layunin ng programa na mabigyan ng food allowance ang nasa 1 million food poor families o ang mga mayroong income na P8,000 kada buwan.

Mayroong kabuuang P40 billion na pondo para sa full implementation ng food stamp program hanggang sa taong 2027.

Sa unang taon ng programa, nasa 300,000 pamilya ang target na mapabilang sa programa at unti unti itong madaragdagan hanggang sa maabot ang isang milyong mahihirap na pamilya.