-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Naging matagumpay ang unang araw ng pilot implementation ng limited face to face classes sa Laserna Integrated School sa Nabas, Aklan ngayong araw ng Lunes, Nobyembre 15 sa gitna ng nararanasang Covid-19 pandemic.

Ayon kay Dr. Miguel Mac Aposin, Schools Division Superintendent ng Department of Education (DepEd)-Aklan, noong nakaraang Nobyembre 5 ay nagsagawa sila ng simulation exercises dahilan na nagawa ng tama ang mga kinakailangang requirements.

Nabatid na sa mahigit sa 100 mga public schools na inaprubahan ng Department of Education upang maging bahagi ng limitadong klase, masuwerteng nakasama dito ang nasabing paaralan.

Batay sa rekomendasyon ng DOH, magkakaroon lamang aniya ng isang linggong face-to-face classes ang Kindergarten at Grade 1 hanggang Grade 3 at isang linggo rin na walang pasok o gagawing salita.

Samantala, masayang sinalubong ng mga estudyante ng Laserna Integrated School ng kanilang mga manuugturo mula sa gate ng paaralan hanggang sa kani-kanilang silid-aralan.

Ang lahat ng mga pumasok sa paaralan ay kinakailangang dumaan sa washing area, temperature checking, at triage area upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.