-- Advertisements --
ILOILO CITY – Naging matagumpay ang pagsimula ng pilot limited face-to-face classes sa Western Visayas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Hernani Escullar Jr., spokesperson ng Department of Education Region 6 (DepEd-6), sinabi nito na nagbunga na umano ang sakripisyo at preparasyon ng mga guro at local government unit.
Ayon kay Escullar, isang eskwelahan sa Aklan at dalawa naman sa Antique ang nagsagawa ng face-to-face classes.
Tiniyak naman anya ng kagawaran na nasunod ang health protocol at may contingency plan na rin sakaling makaranas ng sintomas ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga estudyante.