-- Advertisements --
361624338 695267062643730 5084226648499637096 n

Inilunsad na ang pilot run ng food stamp ng Department of Social welfare and development para sa mga pinakamahihirap na pamilya.

limampung pamilya sa tondo maynila ang unang benepisyaryo ng food stamp program.

Pinangunahan naman nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Vice President Sara Duterte at Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian ang pilot run ng ‘WALANG GUTOM 2027 Food Stamp Program’.

Ang Food Stamp Program ay isa sa mga bagong priyoridad na programa ng naturang ahensya upang maiwasan at masolusyonan ang pagkagutom na nararanasan ng mga pinakamahihirap na pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng access sa monetary-based na tulong gamit ang Electronic Benefits Transfer card na pupunuin ng food credits.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development Assistant Secretary Romel Lopez, ang mga benepisyaryo ng food stamp program ay nakabatay sa pamamagitan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction, na ginagamit din upang matukoy ang mga potensyal na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Ang Food Stamp Program ay ilulunsad rin sa ilang lugar sa National Capital Region (NCR), Cagayan Valley Region, Bicol Region, Caraga Region, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Samantala, ang mga benepisyaryo ng programa ay makakatanggap ng food credits na nagkakahalaga ng P3,000 kada buwan sa loob ng anim na buwan, Hulyo hanggang Disyembre.

Ang mga food credit na ito ay maaaring gamitin upang bumili ng kumbinasyon ng iba’t ibang pagkain na mayaman sa nutrisyon mula sa mga retailer na accredited sa DSWD.

Mula sa kabuuang halaga ng food credits, Php1500 (50 %) ang ilalaan para makabili ng carbohydrate-rich foods tulad ng kanin at tinapay; Php900 (30 %) ay para sa mga protina tulad ng manok o baboy; at Php600 (20 %) ay para sa mga gulay, prutas, mantika, asin, o iba pang pampalasa.

Ipapatupad ang Food Stamp Program sa tulong ng World Food Program (WFP) at ng Asian Development Bank