
Planong simulan ng pamahalaan ang pilot run para sa food stamp kontra gutom program sa buwan ng Hulyo.
Ito ay bilang tugon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos sa usapin ng kagutuman sa bansa sa ilalim ng programa, maaaring makatanggap ang mga benepisyaryo ng mga food credits na nagkakahalaga ng 3,000.
Ang food credit na ito ay magagamit ng mga benepisyaryo sa pagbili ng pagkain mula sa mga DSWD-accredited local retailers.
Ayon naman kay Pang Ferdinand Marcos Jr, ang nasabing programa ay tiyak na makakatulong ng malaki upang matiyak na may sapat na pambili ng pagkain ang mga mahihirap na pamilya.
Unang natukoy aniya ng DSWD ang isang milyong pamilya na target bilang inisyal na benepisyaryo kung saan ang mga ito ay kabilang sa listahan ng pinakamahihirap na pamilya.
karamihan din sa mga ito ay mga nasa kanayunan, na kumikita ng hindi lalagpas sa P8,000 kada buwan. Katulad din ng iba pang mga assisstance program ng pamahalaan, magkakaroon din ito ng work component o obligasyon ng mga benepisyaryo na magtrabaho.
Sa kasalukuyan ay hindi pa natutukoy ng DSWD ang mga lugar kung saan isasagawa ang pilot run ng nasabing proyekto.