Tinawag ni Education Secretary Leonor Briones na “very successful” ang patuloy na pilot run ng limited face-to-face classes dahil walang mga naitalang kaso coronavirus (COVID-19) sa mga kalahok na paaralan.
Ang DepEd at ang Department of Health ang nagde-desisyon kung dadagdagan ang mga participating schools para sa face-to-face classes.
Sinimulan ng DepEd ang pilot face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan noong Nob. 15.
Makalipas ang isang linggo, nagsimula na rin ang pilot in-person classes sa mga pribadong paaralan.
Mayroong 120 paaralan, 100 pampubliko at 20 pribadong paaralan, kasama sa pilot run.
Noong Disyembre 2, sinabi ng DepEd na 177 pang paaralan ang pinayagang sumali sa pilot na pagpapatupad ng limitadong face-to-face classes na kinabibilangan ng 28 paaralan sa Metro Manila.
Sinimulan din ng mga natukoy na paaralan sa National Capital Region (NCR) ang pilot face-to-face classes noong Disyembre 6.
Nauna nang target ng Department of Education (DepEd) na tapusin ang ang pilot implementation ng limited face-to-face classes sa basic education sa katapusan ng buwang ito.
Hinahangad ng DepEd na makumpleto ang pilot na pagpapatupad ng limitadong in-person classes sa mga piling paaralan sa buong bansa para sa assessment.