Nakatakdang isagawa ng Commission on Elections (Comelec) ang pilot test ng “register anywhere” scheme para sa voter registration system sa piling malls sa Metro Manila.
Ayon kay Comelec Acting Spokesperson John Rex C. Laudiangco, ang naturang sistema ay convenient para sa mga registrants para magrehistro sa mga kanilang napiling mall kung saan nila nais na makapagparehistro bilang botante kahit pa ito ay sa labas ng kanilang residential city o municipality.
Sa pilot test, maglalagay ang poll body ng dalawang sets ng voter registration booths.
Ang isa ay para sa Registrants/Applicants na residente ng City o Municipality kung saan isinasagawa ang satellite/offsite registration.
Habang ang isa naman ay para sa registrants o aplikante na hindi residente ng isang siyudad o munisipalidad kung saan isinasagawa ang sattelite/offsite regsitration.
Ang mga pangalan ng mga registrants o mga aplikante ay ipoposte pa rin sa Office of the Election Officer na may hurisdiksyon sa natuarng residential city o municipality pareho din ito sa regular registration process salig sa Republic Act No. 8189.