-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Ibinahagi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na naging maganda ang kinalabasan ng pilot testing ng antigen test sa Baguio City.

Ayon sa kanya, aabot sa mahigit 900 na indibidual ang naipasailalim sa pilot testing ng antigen at may natitira pang 500 na test upang makompleto ang 1, 500 katao na puntirya para sa pilot testing.

Aniya, inaasahan na lalabas ang resulta ng eksaminasyon ng mga ito sa susunod na linggo.

Maalalang ang Baguio City ang kauna-unahang nagsagawa ng pilot testing ng antigen bilang pinakabagong COVID-19 detection tool.

Ang antigen ang pinakamabilis na kasangkapan sa pagtukoy kung dala-dala ng isang tao ang coronavirus dahil may resulta na agad pagkatapos ng 15 minutes na malayong mas mabilis kung ihahambing sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test kits na kinakailangan pang maghintay ng 2-3 days.