-- Advertisements --

Limitado lamang sa hanggang 10,000 na individuals ang mairerehistro para sa pagsisimula ng pilot testing ng national identification system (ID).

Sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) chief and Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, na simula Setyembre 2 hanggang Disyembre isasagawa ang nasabing pilot testing.

Dito nila titignan ang mga magiging aberya para agad na maayos sakaling tuluyan na itong ipatupad sa mga susunod na taon.

Sakaling walang naging problema sa pilot testing ay agad nilang aasikasuhin na mairehistro ang may 50 million na mamamayan sa bansa sa taong 2020.