-- Advertisements --
Screenshot 20210905 130916 Instagram

Isasagawa na raw ang pilot testing para sa granular lockdown sa Metro Manila sa Setyembre 8.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ang rekomendasyon sa pilot project ay ipapadala rin kay Pangulong Rodrigo Duterte para ito ay aprubahan.

Sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang granular lockdowns ay posiblieng isagawa sa loob ng isang linggo at magkakaroon ng mas mahigpit na quarantine classification sa National Capital Region (NCR).

Aniya, pagkatapos ang pilot project, susuriin naman daw ang rekomendasyon bago isusumite kay Pangulong Duterte.

Una rito, iminungkahi ni Trade Secretary Ramon Lopez na mas maigi ang granular lockdown para sa ekonomiya na apektado na ng ilang linggo dahil sa restrictive community quarantine.

Dagdag nito, sa ilalim ng granular lockdown, mas marami nang mga negosyo ang papayagang mag-operate pero mahigpit pa rin namang ipapatupad ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) safety protocols.

Kung maalala ang Metro Manila ay nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang Setyembre 7 para makontrol ang pagkalat na ng virus lalo na ang Delta variant.