-- Advertisements --
Laguna plane crash
Calamba plane crash/ PDRRMO image

ROXAS CITY – Naghihinagpis ngayon ang pamilya ng namatay na piloto ng bumagsak na eroplano sa Mira Monte Village, barangay Pansol, Calamba, Laguna.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Anna Hernandez-Antioquia, kapatid ng namatay na pilotong si Captain Jesus Hernandez, tubong Roxas City, nitong Lunes lamang niya nalaman na ang kapatid ang piloto sa bumagsak na eroplano nang ipinalabas na ang pangalan ng mga biktima.

Hindi nito suka’t akalaing mapapaaga ang pagkakasawi ng kaniyang kapatid dahil nakatakdang pa sana itong magdiwang ng kaniyang kaarawan sa Setyembre 25.

Mahirap man nguni’t kailangan umano nilang magpakatatag para sa naulilang tatlong mga anak ng kapatid.

Aniya bata pa lamang sila ay pangarap na ng kaniyang kapatid na maging isang piloto kung kaya’t kasunod ng kaniyang pagretiro sa Philippine Air Force ay nagpursige ito sa kaniyang pangarap.

Sinariwa rin ni Anna ang unang pagkakataon na nakasakay siya sa eroplano kung saan ang mismong kapatid nito ang piloto.