-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Nagpapatuloy hanggang sa ngayon ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PSG)-Caluya Sub-station sa piloto ng isang aircraft na bumagsak sa karagatang sakop ng Mindoro, Palawan at Caluya, Antique.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Kalibo mula sa Caluya Municipal Police Station, ang naturang aircraft ay bumagsak bandang alas-11:30 ng umaga ng Lunes.

Minamaneho umano ito ng pilotong Saudi national na kinilalang si Capt. Jose Nelson Escalante Yapparcon.

Una rito, nakita ng mga mangingisda na sina Reden Matias Tria, Carlito Enero Encia at Arthuro Albano ang bag ng piloto na naglalaman ng mahahalagang gamit na na-trap sa lambat ng seaweed plantation na tinatayang dalawang kilometro mula sa shoreline ng Sitio Panagatan 1, Brgy. Harigue, Caluya.

Kaugnay nito, positibong kinilala ng kanyang anak na si Jayson Yapparcon ang naturang bag kung saan personal na ibinalik sa kanya sa Semirara Mining and Power Corporation Airport ng PCG, Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) Caluya na pinangunahan ni Junnifer Ysug.

Samantala, humihingi ngayon ng tulong ang Saudi embassy sa mga divers sa Panay Island upang mahanap ang biktima.