-- Advertisements --

Nanawagan si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa lahat ng Pilipino na suportahan ang Metro Manila Film Festival (MMFF) sa pamamagitan ng panonood sa mga pelikulang kasalukuyang pinapalabas.

Binigyang-diin ng Pimentel ang kahalagahan ng pagdiriwang ng pelikulang Pilipino at pagsuporta sa mga local filmmakers. 

Binanggit ng mambabatas ang kahalagahan ng MMFF bilang isang platapormang nagpapakita ng pagkamalikhain ng mga Pilipinong gumagawa ng pelikula.

Naniniwala ang minority leader na ang pagsuporta sa mga local films ay mahalaga para sa paglago at pag-unlad ng industriya ng pelikula sa Pilipinas.

“Panoorin natin ang mga pelikula, at ibahagi natin ang ating karanasan sa ating mga kaibigan at pamilya,” dagdag ni Pimentel. 

Nagpahayag si Pimentel ng kumpiyansa na ang MMFF entries ngayong taon ay magbibigay ng entertainment at mas mataas na pamantayan para sa mga pelikulang Pilipino.