-- Advertisements --
Dapat mabigyan muna ng pagkakataon na gumaling si Senator Aquilino Koko Pimentel III sa coronavirus bago ito imbestigahan ng NBI.
Ito ang naging pahayag ni PDP Laban executive director Ron Munsayac sa gagawing pag-imbestiga ng NBI dahil sa paglabag sa ipinapatupad na BAYANIHAN to Heal as One law.
Sinabi nito na bukas ang senador na magpaimbestiga para ihayag ang kaniyang panig.
Magugunitang inimbitahan ang senador dahil sa pagpunta sa pagamutan at grocery kahit na nagpositibo ito sa coronavirus.