Hindi maaaring pakelaman ng Korte Suprema ang “plenary power” ng Kongreso sa pagbuo ng batas lalo na kung ang layunin ay tukuyin ang partikular na subject matter na maisabatas.
Ito ang sinabi ni Senate Minority Leader Koko Pimentel sa gitna ng petisyon ng ialng grupo at indibidwal na hinihiling sa Korte na pakilusin ang Kongreso na magpasa ng batas na magbabawal sa political dynasties.
Gayunpaman, kumpiyansa naman si Pimentel na darating ang panahon na gagawa ang Kongreso ng batas upang ipagbawal na ang political dynasties sa Pilipinas.
Dagdag ng minority leader, unti-unti namang namumulat ang mga mata ng mga botante na dapat “inclusive” ang democratic processes ng bansa.
Panawagan naman ni Pimentel ay pantay na oportunidad sa lahat pagdating sa serbisyo publiko.