-- Advertisements --
Handang suportahan ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel si Sen. Manny Pacquiao sakaling tumakbo ito sa pagkapangulo sa 2022 elections.
Sinabi ng senador na bilang member at officer ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ay hindi mag-aatubiling susuportahan si Pacquiao kapag tumakbo ito sa pagkapangulo ng bansa.
Naniniwala ito na naghahanda na si Pacquiao na siyang PDP-Laban president sa posibilidad na pagtakbo sa pagkapangulo.
Dagdag pa nito, na iba’t-ibang sektor ng gobyerno na rin ang nagpahayag ng suporta kay Pacquiao.
Iginiit nito na kung talagang interesado ang boxing senator na tumakbo sa pagkapangulo ay dapat ay magdeklara na ito sa Agosto o Setyembre.