-- Advertisements --
IMG 01dd95a2af9dbae28edb69a02c52ed20 V

VIGAN CITY – Nanindigan si PDP-Laban president Sen. Koko Pimentel na tatalima sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa term sharing nina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco bilang House Speaker.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Pimentel na tiwala itong tutugon si Velasco sa paghahati nila ng termino ni Cayetano dahil hindi naman daw talaga ito kontra sa term sharing.

Tiniyak din nito na aayusin ng kanilang partido ang magiging hatian ng dalawa sa panunungkulan.

Note: Pls click above audio interview with Sen. Koko Pimentel

Nitong Lunes nang ianunsyo ng Pangulo ang pag-indorso nito sa dalawang kongresista bilang susunod na lider ng Kamara.

Koko Pimentel
PDP-Laban pres. Senator Koko Pimentel/ FB post

Habang ang isa pang speaker contender na si Leyte Rep. Martin Romualdez ang para sa posisyon ng Majority leader.

Kaugnay nito, ikinabahala ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas ang pagkakaroon nila ng dalawang leader sa loob ng Kongreso.

Ayon kay Brosas malaking bitak sa Kamara ang term sharing ng dalawang mambabatas dahil malaki ang magiging epekto nito sa mga isinusulong na panukala ng mga nasa hanay ng minorya at oposisyon.

Para sa Gabriela representative, malinaw na indikasyon ang pag-iindorso kina Velasco at Cayetano ng personal na interes ng mga ito sa pwesto at hindi para sa publiko.

.