-- Advertisements --

Tiyak si Senate Minority Leader Koko Pimentel na haharap si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa oras na mag-isyu ng arrest warant laban sa kanya. 

Pahayag ito ni Pimentel sa harap ng balita na may warrant of arrest na ang International Criminal Court o ICC laban kay Duterte kaugnay ng kasong crime against humanity. 

Ayon kay Pimentel, napatunayan ng dating pangulo na isa siyang matapang siguradong haharapin niya ito sa legal arena. 

Dagdag ng senador, theoretical lamang ang kanyang komento dahil wala namang siyang idea kung mayroon ng nakaambang warrant of arrest laban sa dating punong ehekutibo. 

Una nang nabalitaan ni Duterte na may ugong-ugong na warrant of arrest laban sa kanya noong siya ay nasa Wan Chai, Hong Kong. 

Sinabi ni Duterte na tatanggapin niya kung sakaling isyuhan siya ng warrant of arrest ng ICC kaugnay ng umano’y kasong crime against humanity.