CAGAYAN DE ORO CITY – Umapela si dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr. kay Pres. Rodrigo Duterte na huwag bitawan ang sobereniya ng Pilipinas sa Recto Bank sa West Philippine Sea.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Pimentel na hindi dapat makompromiso ang sovereign rights ng bansa matapos inihayag ng Pangulo na pwedeng makapagpangisda ang China sa Recto Bank na itinuturing exclusive economic zone ng Pilipinas.
Ayon kay Pimentel na kanyang naintidahan ang naging hakbang ni President Duterte dahil ayaw nitong mag-away ang dalawang bansa.
Ngunit, nilinaw nito na dapat alalahanin ng China na permiso lamang na makapag-pangisda sa Recto Bank ang ibinigay sa kanila ni Duterte bilang kaibigang bansa at hindi nito pwedeng angkinin ang teritoryo at takutin ang mga mangingisdang Pinoy.