-- Advertisements --
Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang naglalayong ibaba sa 56-anyos ang optional retirement age sa gobyerno mula sa kasalukuyang 60 taon.
Sa botong 192 na yes at walang pagtutol ay pinagtibay ng Kamara ang House Bill 5590 na nag-aamiyenda sa Section 13 ng Republic Act 8291 o Government Service Insurance System (GSIS) Act of 1997.
Hangad ng panukalang ito na bigyan ng pagkakataon ang mga empleyado na ma-enjoy pa ang maayos na kalidad ng buhay.
Ito ay para na rin magagamit ang kanilang pensyon at retirement benefits sa mas nakababatang edad.