-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Blangko pa ang pamilya ng isang ice cream vendor sa motibo sa pamamaril patay sa biktima sa Zone 1, Brgy. Alongong, Libon, Albay.

Maalalang pinagbabaril ang biktimang si Roderic Rañola, 35, residente ng Brgy. Cawacagan, Bato, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Maj. Ryan Atanacio, hepe ng Libon Municipal Police, isa pa sa mga binabantayan na motibo ang posibilidad na napagtripan o napagkamalan ang biktima na asset ng government force.

Paliwanag ng hepe na liblib na lugar na ang pinangyarihan ng insidente na isa umano sa mga ikinokonsidera na maingay na barangay sa naturang bayan.

Samantala, tumanggi na muna ang hepe na pangalanan ang mga tinitingnang suspek na nasa likod ng pamamaril habang hinihintay pa ang paglabas ng testigo.