-- Advertisements --
Nakita ng search and rescue team ang umanoy pinaghihinalaang fuselage ng nawawalang Cess na 340 plane sa slope ng Bulkang Mayon.
Patuloy pa rin ang paghahanap sa nasabing eroplano matapos e anunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nawawala ang isang Cessna 340 (Caravan), isang twin piston engine pressurized business aircraft na may registry number na RP-C2080 sa Camalig, Albay noong Sabado ng madaling araw.
Lulan ng eroplano ang isang piloto, isang crew, at dalawang pasahero nang umalis ito sa Bicol International Airport dakong 6:43 ng umaga patungong Maynila.