-- Advertisements --

Patay ang pinaghihinalaang lider ng New People’s Army matapos ang nangyaring engkwentro sa mga tropa ng militar sa bulubunduking lugar ng Sitio Tagulahi, Barangay Pianing, Butuan City ,Agusan del Norte.

Ito ang kinumpirma ng 4th Infantry (Diamond) Division Public Affairs Office.

Ayon sa 4th Infantry (Diamond) Division, ang umano’y leader ay kilala sa pangalang Myrna Sularte alyas Maria Malaya.

Nagresulta naman ang operasyon sa pagkakakumpiska ng ibat-ibang items at mga personal na gamit.

Si Sularte ay asawa ng nasawing si Jorge “Ka Oris” Madlos na isang kilalang figure ng NPA National Operations Command.

Napatay si Madlos sa isang encounter sa mga tropa ng gobyerno sa lalawigan ng Bukidnon.

Ayon kay 901st Brigade Commander Brigadier General Arsenio D.C. Sadural, si Sularte ay top leader at Secretary ng Communist Terrorist Groups Northeastern Mindanao Regional Committee .

Ito aniya ay miyembro rin ng Political Bureau ng Communist Party of the Philippines .

Bukod dito ay nahaharap si Sularte sa ibat-ibang kasong kriminal kabilang na ang rebellion, destructive arson, robbery w/ double homicide at iba pang reklamo.