Ipinaliwanag ng ilang eksperto ang generational analysis kung bakit may iba’t-ibang tawag ang bawat henerasyon na kinapapalooban ng isang indibidwal.
Sa mga sinaunang panahon kasi na ang terminong henerasyon ay tumatalakay sa lahat ng mga taong buhay.
Hanggang sa pagdaan ng mga panahon ay umusbong ang ilang mga biological definition at dumating ang panahon na ito ang tawag sa mga tao kung anong taon sila isinilang at kung anong taon sila nagkaroon ng mga anak.
Noong median age na ang panganganak ay nasa 30 taon at ang nasabing panahon ay naging mas mahaba.
Sa ngayon ay kinikilala na sa sociological definition ng generation na umaabot sa 15 taon.
Dahil sa makabagong sociological definition ay magiging organisado na ang pagkilala sa bawat henerayon kaysa maghintay ng kaganapan o hindi inaasahang sitwasyon para matapos o masimulan ang isang henerasyon.
Narito ang iba’t-ibang tawag sa mga iba’t-ibang tawag sa mga henerasyon.
Ayon naman kay Mark McCrindle isang social researcher at futurist na siyang nagpangalan ng “Generation Alpha”, na mahalaga ang generational analysis sa sociology at academic lalo na sa mga Human Resource leadership at management para kanilang maintindihan ang mga generations na bumubuo sa kanilang team.
Ang mga isinilang mula taong 1925-1945 ay tinatawag na The Builders; habang ang mga isinilang mula 1946 hanggang 1964 ay mga Baby Boomers.
Generation X naman ang mga tawag sa isinilang mula 1965 hanggang 1979 habang Generation Y ang mga isinilang mula 1980-1994.
Ang mga isinilang ng 1995 hanggang 2009 ay Generation Z ang tawag habang Generation Alpha naman ang mga isinilang mula 2010 hanggang 2024 at Generation Beta naman ang isinilang ngayong taon 2025 hanggang 2039. (source: McCrindle.com. au)