-- Advertisements --
Ikinokonsidera ng Phivolcs na bigyan ng sariling identity ang fault line na pinanggalingan ng 6.3 magnitude na lindol sa Mindanao nitong nakalipas na araw.
Batay kasi sa pag-aaral ng ahensya, dati na ring nakapagtala ng malakas na lindol na malapit sa local fault na iyon at mas matindi pa ang naranasan noong 1893, kung saan umabot ito sa 7.2 magnitude at 8.3 magnitude naman noong 1924.
Para kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, tukoy naman nila ang pinagmulan ng lindol ngunit wala pa lamang itong pangalan.
Kung sakali, gagamitin lamang ito para sa mas madaling pagtukoy ng pinagmumulan ng pagyanig.
Lumalabas na ang killer quake ay sakop ng mas malaking energy source na gumagalaw kada halos 100 taon.