-- Advertisements --

Natukoy na umano ng Israeli Ministry of Health ang pinag-ugatan ng outbreak sa COVID-19 sa dalawang eskwelahan.

Una rito, umabot na sa 45 mga estudyante na nag-aaral sa primary at middle school ang kinapitan ng virus sa bayan ng Binyamina na nasa 60 kilometers north ng Tel Aviv.

Israel 1

Iniulat ng ministry na ang source ng outbreak ay isang kaanak ng mga bata na kagagaling lamang mula sa abroad na nagpositibo sa COVID-19 at nagtataglay ng variant na unang na detect sa India.

Kaugnay nito, ibinalik ng Health ministry ang mahigpit na pagsusuot muli ng facemask sa lahat ng lugar ng kanilang schools, pati sa indoors at outdoors sa ilang lugar sa bayan ng Binyamina.

Kung ipapaalala nitong unang linggo ng buwan ng Hunyo, nagsimula na ang Israel sa pagbabakuna sa mga teenagers sa pagitan ng 12-anyos hanggang 15-anyos.

Hinangaan din ang Israel sa mabilis nilang pagbabakuna kung saan nasa 5.49 million na ang naturukan na katumbas ng 58.9 percent ng kanilang total population.