-- Advertisements --

Sumiklab ang sunog sa isang barracks sa loob ng Camp Aguinaldo sa Quezon City ngayong Martes, Setyembre 13.

Sinabi ng Bureau of Fire Protection Public Information Office na itinaas sa first alarm ang sunog bandang 5:56 p.m.

Idineklara itong under control bandang 6:36 p.m.

Nasunog ang isang palapag na gusali kung nasaan ang electronic information system service ng AFP.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog at patuloy ang ginagawang overhauling ng BFP-Quezon City Fire District sa naturang lugar.