Inanunsyo ng pamunuan ng Government Service Insurance System na asahan na ng kanilang mga miyembro ang mag pinahusay na mag serbisyo.
Ito ay matapos ang naitalang paglago sa pension fund ng ahensya noong nakaraang taon.
Sa isang pahayag, sinabi ni GSIS president and general manager Wick Veloso na ang ibabalik ng GSIS ang kanilang nakamit na financial success sa kanilang mga miyembro at pensioners.
Siniguro rin ng GSIS na patuloy nilang pinapaganda at gumagawa ng mga responsive programs para sa ikabubuti ng lahat.
Kabilang sa mga pinahusay na benepisyo ng GSIS para sa kanilang mga members at pensioners ay ang “living benefit” health insurance.
Ito ay magbibigay ng miyembro at dependent ng GSIS ng karagdagang coverage para sa mga kritikal na sakit tulad ng cancer, stroke, renal failure, end stage lung cancer, liver failure at heart attack.
Noong 2023, ang pension fund ng GSIS ay nakapagtala ng net income na aabot sa P113.3 billion.
Tumaas ito ng 70% mula sa kabuuang P66.4 billion na naitala noong 2023.
Bukod sa pension fund ay tumaas rin ang kanilang revenues ng 33% na katumbas ng P311.3 billion pesos mula sa dating P234.9 billion.