-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Isa na namang malaking tagumpay laban sa COVID 19 pandemic ang pagrekober mula sa nakamamatay na sakit ng pinaka-batang frontliner na nagpositibo sa lunsod ng Baguio.

Naging emosyonal ang send-off ceremony na isinagawa ng Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) para sa pasyenteng si Mae Ann Cachero, 22-anyos, isang nurse at residente ng La Trinidad, Benguet.

Maaalalang itinuring na “extra special” sa Baguio City ang nakaraang linggo pagkatapos gumaling sa COVID 19 ang 77-anyos na lalaki na siyang pinaka-batang COVID 19 patient sa lungsod.

Sa ngayon ay nananatiling 30 a positibong kaso ng COVID 19 sa Baguio City kung saan 16 na sa mga pasyente ang gumaling, 13 ang nananatili sa pagamutan at isa ang nasawi.