-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Naitala sa Mountain Province ang pinakamataas na bilang ng mga punongkahoy na iligal na pinutol mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Cordillera, mahigit sa 6,200 na board feet ng tabla na nagkakahalaga ng P222,000 ang nakumpiska sa Mountain Province sa loob ng anim na buwan.
Dahil dito, pinapayuhan ng DENR ang mga residente ng lalawigan na makipagtulungan sa pamahalaan para sa pagprotekta sa mga kabundukan at kagubatan.
Iminungkahi ng ahensiya na irebisa ang tradisyonal na Batangan System para masugpo ang iligal na pagputol sa mga puno at pagbiyahe sa mga tabla sa Mountain Province.