-- Advertisements --
COVID Doctor operation Quarantine GenSan

GENERAL SANTOS CITY – Nagtagumpay ang unang operisyon na ginanap sa COVID facility sa lungsod sa isang COVID-19 positive habang naka-dialysis.

Ito ang sinabi ni Dr Ryan Aplicador, chief of hospital ng Doctor Jorge P. Royeca Hospital at assistant task force commander ng Local IATF.

Ginawa ang emergency central catherer insertion sa isang 27-anyos na babae bilang paghahanda sa hemodialysis dahil sa renal failure na komplikasyon sa coronavirus disease infection.

Dagdag ni Dr Aplicador, mismong sa COVID facility isinailalim sa dialysis room at natapos ang operasyon na nagtagal ng halos isang oras.

COVID operation dialysis GenSan

Ang COVID facility sa lungsod ang may exclusive operating room, labor room, dialysis room, radiolgy capabilities at nursery room habang iba naman ang pasilidad sa Doctor Jeorge P. Royeca Hospital.

Pinasalamatan din ni Aplicador ang mga staff at doctors sa COVID facility sa paghahanda sa nasabing operasyon.