-- Advertisements --
Beijing Daxing International Airport 3

Nakatakdang buksan ng China ang pinakabago nitong mega-airport sa Timog bahagi ng Beijing kasabay ng pagdiriwang nito sa ika-70 anibersaryo ng kanilang bansa.

Lilipad ang unang commercial flight ng Beijing Daxing International Airport (PKX) sa Setyembre 20 kung saan binabalak ng China na gamitin ang Airbus A380, pinaka-malaking airliner sa buong mundo.

Ang pagbubukas ng naturang paliparan ay magsisilbi umanong bagong yugto para sa mga air travel na papasok at aalis ng Beijing.

Sa ngayon, tila imposible nang magdagdag ng flight schedules sa Beijing Capital Internatiomal Airport (PEK) dahil sa dami nang tao na nagnanais bumisita sa bansa.

Noong 2018, mahigit 100 milyong travelers ang dumadaan sa tatlong terminals ng PEK na naging dahilan upang maging ikalawang travel hub ito sa buong mundo na nalampasan na ang tinaguriang passenger traffic milestone.

Inaasahan na sa taong 2020 ay mauungusan na ng China ang United States bilang “world’s biggest aire travel market.”

Idinesenyo ng yumaong si architect Zaha Hadid ang Daxing. May laki ito na aabot sa 97 soccer pitches at mayroon din itong customer-service robots na kayang magbigay ng flight updates at airport information sa mga pasahero.

Sa taong 2025, target ng paliparan na ma-accomodate ang halos 72 milyong pasahero at 2 milyong tonelada ng cargo.

Sinimulan noong 2014 ang konstruksyon ng $11.5 billion project na ito. Halos 40,000 trabahador naman ang nagtulong-tulong upang mabuo ang travel hub.