-- Advertisements --
Lumubog ang pinakabagong barkong pandigma ng Iran habang ito ay inaayos sa pantalan.
Ang 311-habang talampakan na frigate Sahand ay naka-angkla sa pantalan ng Bandar Abbas ng ito ay nawalan ng balance.
Base sa imbestigasyon ay napasukan ng tubig ang tanke nito kaya ito ay lumubog.
Ang nasabing barko ay pumasok sa serbisyo noong Disyembre 2018 na isa sa mga pinakamalaking barko ng Iran at ito ay armado ng antiship cruise missiles at electronic warfare system.