-- Advertisements --

Binaril hanggang mapatay ang pinakabatang alkalde sa Ecuador na si Brigitte García.

Ayon sa imbestigasyon ng mga kapulisan natagpuan ng walang buhay ang 27-anyos na alkalde ng San Vicente habang ito ay nasa loob ng nirentahang sasakyan.

Kasamang nasawi ang kaniyang communications director na si Jairo Loor.

Lumalabas na galing ang mga putok ng baril sa loob ng sasakyan.

Nanawagan ang Ecuadorian Ministry of Government ng agarang pagresolba sa nasabing krimen.

Si Garcia ay pinakabatang alkalde sa Ecuador.