Tiniyak ng bagong halal na pangulo ng Chile na kaniyang ipapatupad ang mga programang naipangako nito noong ito ay nangangampanya.
Nagwagi kasi si Gabriel Boric laban sa katunggali nito na si Jose Antonio Kast.
Ang 35-anyos na si Boric ay siyang itinuturing na pinakabatang pangulo ng nasabing bansa.
Pormal na uupo si Boric sa puwesto sa buwan ng Marso at papalitan nito si outgoing President Sebastian Pinera na isang conservative billionaire.
Mula sa Punta Arenas si Birc na namuno sa Federation of Students sa University of Chile sa Santiago.
Nanguna siya sa protesta noong taong 2011 na humihiling ng murang edukasyon.
Taong 2014 ng sumali siya sa national Congress sa lower-house legislator.
Ilan sa mga pangako nito noong kampanya ay ang pagtanggal na ng neoliberal economic model, pagtataas ng buwis sa mga mayayaman, pagpapalawig ng social services, fight inequity at protection ng kalikasan.