-- Advertisements --

Nanumpa ang bagong Prime Minister ng Thailand na si Paetongtarn Shinawatra dalawang araw matapos na ihalal siya ng parliamento.

Ang 37-anyos na si Paetongtarn ay itinuturing na pinakabatang prime minister sa kasaysayan ng Thailand.

Nakuha nito ang puwesto matapos na patalsikin bilang premier si Srettha Thavisin ng kanilang constitutional court.

Mismong si King Maha Vajiralongkorn ang nag-endorso at pormal na nagtalaga sa kaniya.

Tiniyak ni Paentongtarn na kaniyang gagawin ang trabaho bilang namumuno ng executive branch.