-- Advertisements --

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippine (AFP) Chief of Staff Gen. Andres Centino ang pagbisita sa Mavulis Island, Batanes.

Ang nasabing isla ang pinakamalayong isla sa Hilagang bahagi ng bansa, malapit sa Taiwan.

Ang pagbisita ni Centino ay upang kumustahin ang mga tropa ng pamahalaan na nagbabantay sa hilang teritoryo ng bansa,

Kasama ni Centino ang iba pang mga senior officer ng AFP, kung saan nagsagawa rin sila ng Flag Raising Ceremony sa sovereignty marker.

Maliban dito, tinungo rin ng AFP Chief ang Fisherman’s shelter na unang itinayo ng AFP sa nasabing isla ilang taon na ang nakakaraan.

Matapos ang pagbisita sa Mavulis, binisita rin nito ang Phil Navy detachment sa bayan ng Itbayat, Batanes, kasama na ang Phil Marine company na nasa bayan ng Basco.