-- Advertisements --

Nakatakdang maibenta sa halagang $2.6 milyon sa isang auction ang isa sa mga lumang libro.

Ayon sa Christies international auction house sa London na sisimulan nilang ibenta ang Crosby-Schøyen Codex sa Hunyo 11.

Ang nasabing libro ay isinulat sa Coptic sa papyrus sa Egypt.

Mayroong itong 52 leaves o 104 pahina.

Ang bawat pahina ay naipreserved sa plexiglass at ito ay nakalagay sa wooden boxes.

Naniniwala ang auction house na maibebenta ang nasabing libro mula $2.6 hanggang $3.8-M.