-- Advertisements --
Umaabot sa 1,558 ang naitalang bagong COVID-19 cases sa latest data ng Department of Health (DOH).
Sinasabing ito na ang pinaka-lowest daily tally sa mga nahahawa sa virus sa mahigit isang buwan o mula noong July 12.
Gayunman, mayroong 41 mga bagong nai-record na nasawi.
Sa ngayon ang total number ng fatality bunsod ng deadly virus ay nasa 61,814.
Habang ang mga aktibong kaso pa o mga pasyente na nagpapagaling pa sa kasalukuyan ay nasa 24,181, ito rin ang lowest mula July 21.
Sa mga bagong nahawa sa COVID-19, ang 580 ay nagmula sa Metro Manila.
Nilinaw naman ng DOH na sa pagitan ng August 22 hanggang August 28, ang daily average ay nasa 2,752 coronavirus infections, na nasa 19 porsyento na mas mababa kumpara sa nakaraang linggo.