Naitala ng Department of Health (DOH) ang pinakamababang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong taon.
Batay ito sa pinakahuling datos ng kagawaran kung saan ay nakapagtala ito ng nasa 290 na mga bagong kaso ng COVID-19 na bubuo naman sa 30,527 na kabuuang bilang ng mga aktibong kaso sa bansa na itinuturing na pinakamamabang bilang simula noong January 4.
Kabilang naman sa mga nangungunang rehiyon na may pinaka-marami pa rin na mga kaso ng nasabing virus ay ang National Capital Region na may 1,426; sinundan naman ng Region 4A na may 512 bilang ng aktibong kaso, at Region 3 na mayroon namang 375 na mga kaso ng nasabing sakit.
Samantala, tumaas naman sa 3,590,615 ang bilang ng mga indibdiwal na naka-rekober sa nasabing sakit habang umabot naman sa 59,660 ang death toll nito sa bansa.
Sa ngayon ay nasa 16.1% naman ang hospital bed occupancy na may katumbas na 5,273 na mga okupadong higaan, habang nasa 27,430 naman ang bakante.