KALIBO, Aklan — Umabot lamang sa 11 turista ang bumisita noong Mayo 3 sa isla ng Boracay.
Ayon kay Felix delos Santos, tourism officer ng lokal na pamahalaan ng Malay na pinangangambahang lalo pang bababa ang bilang ng mga turista ngayong nananatiling nasa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Iloilo City.
Pawang taga-Western Visayas at Batangas ang karamihan sa mga bisitang pumapasok ngayon sa isla simula nang ipatupad ang travel restrictions sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal o NCR Plus.
Simula Mayo 1 hanggang 30, umaabot sa 1,742 ang mga turistang pumasok sa Boracay.
Pinakamataas aniya sa naitalang bisita sa loob ng isang araw ay 161 habang ang pinakamababa ay 11.
Aminado si delos Santos na malaking kawalan sa ekonomiya ng Malay ang pagkawala ng mga turista mula sa NCR Plus at Iloilo City.